Tumayo ako mula sa sofa. “Saglit lang,” sabi ko kay Nicholas nang tanungin niya kung saan ako pupunta. Hindi ko na siya tiningnan pa at dumiretso ako sa kitchen. Naabutan ko si Nanay Linda na nagliligpit. “Nanay, pahanda naman ng juice saka kahit simpleng almusal. Para sa mga kasama ni Nicholas,” wika ko habang kusa nang kinuha ang tray sa gilid. Ngumiti si Nanay. “Ako na, Ma’am.” “Ako na po. Tulungan niyo na lang ako,” sagot ko at nagsimula na kaming mag-ayos. Nilagay ko ang tatlong baso ng orange juice, ilang pandesal at maliit na plato ng prutas. Simple lang, pero at least may laman ang t’yan ng mga bisita. Hindi kasi ako sanay na tignan ang mga tao na parang robot na walang pahinga habang nagtatrabaho para kay Nicholas. Pagbalik ko sa sala, tahimik ang paligid. Nakakunot ang noo ni

