Lee Anne Joy
KASALUKUYAN akong nanonood ng k-drama at feel na feel ko ngayon ang nagmukmok habang kumakain ng fudgee bar nang biglang pumasok si MJ na nakabusangot na naman.
Walang anumang umupo siya sa tabi ko. Kinuha ang pillow na nasa lap ko. Humiga at pinatong ang mga paa niya sa lap ko at akma pang kukuha ng fudgee bar ko nang pigilan ko siya.
" Ano ba?! Naging komportable ka na't lahat-lahat tapos kukuha ka pa ng fudgee bar ko?! Aba! Ang kapal mo naman!" Nagumuso lang siya at pasiring na inalis ang paningin sakin at itinutok yun sa k-dramang pinapanood ko.
Hindi niya ako pinatulan kaya naman nagtataka akong tumingin sa kanya. Pinakiramdaman ko siyang mabuti at napansin kong malungkot nga siya. Bigla akong nakaramdam ng guilt sa pagsigaw sa kanya. Itinuon ko na lang din ang paningin ko sa pinapanood. Pero wala na ang interes at focus ko don dahil Hindi ko na talaga mapigilan ang bibig kong magtanong.
Ano bang problema nito at nagdradrama na naman?
Bigla kong naalala si Jean. Oo nga pala. Break na pala sila. Mag-aapat na buwan na rin pero bakit mas mukhang miserable pa tong si MJ kaysa Kay Jean? Bakit parang baliktad? Hindi ba't dapat lalaki yung unang nakakamove-on kasi lalaki naman sila? Bakit si MJ pa ang mukhang miserable sa kanilang dalawa? Anong nangyayari sa mundo?! Mukhang okay kasi si Jean nung huling nagkita kami. Nakangiti pa nga e.
" Uy." Tawag ko sa kanya. Dati rati ay bukambibig niya si Jean kaya naninibago talaga ako.
" Hmm."
" Okay ka lang?" Napatingin siya sakin saglit pero agad din naman siyang umiwas. Napataas ang kilay ko. Ano yon? Walang sagot?
" Mukha ba akong okay?" Masungit na sagot niya kaya pairap akong tumingin sa kanya.
" Magsasabi ka o papasungalngalan kita nitong fudgee bar ko?!" Banta ko kaya salubong ang kilay na humarap siya sakin.
" Ano?!" Inis pang tanong ko. Ayaw magkwento e. Parehas pa naman kaming broken ngayon.
" Anong 'ano'?!" Inis ding sagot niya. Okay. Parehas kaming mainit ngayon.
" Magkwento ka kasi para naman mabawasan yang lungkot mo." Ngumuso pa ako para maging epektib ang pagpapacute ko. Tumingin siya sakin at ngumisi. Bigla akong nakaramdam ng kaba sa ngising yun.
Mukhang may pinaplano siya ah.
Anong pinaplano niya at bakit siya nakatingin sakin ng ganyan? Hindi ko nagugustuhan ang tingin niya kaya inis akong nilaban yun.
" Ano?!" Iritang bulyaw ko sa kanya pero mas lalo lang siyang ngumisi.
" Be my girl."