Jasmine's POV
Naglalakad ako palabas Ng gate Nang school namin dahil nag papartime ako sa Isang coffee shop Kaya medyo nagmamadali ako. Ito Kasi Ang ginagawa ko para Hindi mahirapan SI mama sa pag papa aral sa akin. Dahil Hanggang Ngayon di ko parin alam Kong sino Ang papa ko kahit sinasabi ni mama na patay na ito.
"Jas !" sigaw Ng Isang lalaki Kaya napalingon ako. Ako ba tinatawag nun ?.
"pauwi ka na ?" SI Andrew Pala Ang crush ko na nanliligaw sa akin. OO may nanliligaw sa akin kahit ganito itsura ko.
"Hindi pa, pupunta ako Ng coffee shop dahil nagtatrabaho ako Doon". sagot ko sa kanya.
"Bakit ,may kailangan ka ba ?" medyo kinikilig na ako. ikaw ba Naman ligawan Ng crush mo 'di ka kikiligin?hmm.
"ahmm. ... gusto ko sanang tanungin Sayo kung maybalak ka Ng sagutin ako", sabay kamot niya sa Ulo niya.
"Eh? Kasi ano andrew-"putol niya sa sasabihin ko. at napayuko ako sa sinabi niya.
"Huwag Kang mag alala dahil di ko hahayaang I bully ka nila o maliitin ka nila Jasmine", paliwanag niya.
"Sige pag iisipan ko muna Andrew, aalis na muna ako dahil baka malate na ako sa trabaho ko", aalis na sana ako pero pinigilan niya ako.
"ahmmm... sana pag sagot mo I post mo sa sss at I tag mo ako", nakangisi niyang Sabi. At medyo nagulat ako,Ang gwapo talaga ni Andrew, kinikilig ako na natatakot. Ang Puso ko. At parang nabasa niya Ang iniisip ko.
"Don't worry ok? I am at your back, I want you to post it so that everyone will know that you are my girl now", paliwanag niya at nakikita ko Ang excitement sa Mukha niya.
"Ok", yan lang Ang sinagot ko at nagpa alam na ako. I took a deep breath. Bahala na nga, sasagutin ko na Siya.