Margaret's POV "Alam mo naman na hindi na kaya ng mga bata ang ginagawa mo diba? Paulit ulit na lang tayo dito Magnus, ano na ba talagang nangyayari sayo? Kahapon wala namang emergency at ang masakit pa doon nangako ka sa mga bata, umasa sila. Ang ganda na sana ng mga plano mo eh, pero ano? Nganga na naman mga bata, kaming pamilya mo parang kaunti na lang na oras ang nakukuha sayo eh, buti pa mga ka trabaho mo araw araw ka nakikita. Kahit naka leave ka pwedeng pwede ka kitain eh" "Sorry talaga Love, hindi ko naman mahindian yun kasi importanteng project, sayang naman ng client, pinilit pa ako ni Calix na sumama." "Ah talaga? Mabuti pa yang Calix at lintek na client mo hindi mo mahindian? Talaga nga naman oh! Kung sakin mo lang naman gagawin yan ayos lang sakin Magnus, pero walanghiya mg

