Third Person's POV
Lahat ay abala na para kasalang Margaret at Magnus. Hindi na din matago ng dalawa ang kasiyahan na nararamdaman nila ngayon. Pero may isang taong hindi pa din mawala ang galit sa puso, imbitado sya pero ang kanyang nararamdaman para sa ikakasal ay purong galit lamang, selos, at inggit. Sa isip nya ay pinatay nya na ang bride at pinalit ang sarili nya sa posisyon nito. Pero dahil hindi nya naman kayang gawin iyon, nag isip na lang sya ng pwedeng gawin para sa kanyang pinakamamahal na Magnus, ang bachelor's party.
Rita's POV
"So ikakasal ka na pala? Grabe wala man lang akong alam sa mga nangyayari, nawala lang ako ng ilang araw eh hindi na ako updated"
"Oh? Kanina ka pa ba dyan? Halika dito pasok!"
"Haha, hindi naman, kakarating rating ko lang din. Ito oh pansit paborito mo yan pinapadala ni Nanay, di ka na raw bumibisita sa bahay eh. Paniguradong magtataka yun na ikakasal ka na"
"Oo, wala naman na dapat pang hintayin eh saka doon din naman kami pupunta"
Hindi dapat ganun Magnus, ako lang dapat ang ihaharap mo sa altar. Ako lang dapat ang katabi mo sa gabi at kaharap mong gigising sa umaga. Hindi pa tapos ang laban, tignan natin ngayon kung mahindian mo pa ako
"Naks, in love na talaga ang best friend ko. Sige bilang mabait naman akong kaibigan, nag organize na ako ng party para sa'yo. Kumbaga last days mo na yan na single ka, na binata kung baga"
"Weh? Nag organize ka ng bachelor's party? Haha wala namang babae dyan diba?"
"Syempre nandoon kami ng iba nating kaklase, pero let's see kung ano pa mangyayari, dapat surprise din"
"Hmm papa alam ko muna siguro kay Margaret yan, para na din sa peace of mind nya"
"Eh?? Ang KJ nya naman kung ganun, hayaan mo na, last chance mo naman na to pagkatapos nyan nakagapos ka na loyal ka na ulit, diba?"
"Pero"
"Wala ka na din namang magagawa kasi na organize ko na yung party, send ko na lang sa'yo yung details kung saan."
"Hay kulit mo talaga okay sige na nga, basta walang mangyayaring ayaw ko ah, let's keep it clean okay?"
"Naman! Nga pala kapag kailangan mo ng secretary dito sa office mo, ako na agad hire mo ah. Lam mo naman wala akong connection sa labas baka di ako agad makahanap ng trabaho eh"
"Sure, actually di pa naman kailangan pero sige hire kita kapag dumami dami na ng kaunti nag clients namin, bali kaka open lang kasi ng opisina namin na to"
"Okay, hihintayin ko yan. Oh sige na mauna na ko ah, congratulations ulit sainyo ni Margaret, pumunta ka sa isesend kong address sayo ah, wag mo kami paasahin"
"Sige, mag ingat ka!"
Mag iingat talaga ako, para sa'yo Magnus, hindi pwedeng hindi ko ma clutch ang pagkuha sa'yo. Hindi lang ako maka bwelo dahil panay kantot sa'kin si Caleb, pero ikaw pa din ang uuwian ko.
"Hello, yes gusto kong mag book ng isang kwarto, plus additional na isa pa. Yung isa design nyo ng bachelor's party. And mag ready din kayo ng mga dancers, both girls and boys kasi dadating din friends namin. Yung isang kwarto basta may bed kasi alam nyo naman. Okay sige send ko na lang sainyo ang bayad, thank you!"
Tignan natin ngayon kung hindi pa kita makuha Magnus, malamang sa malamang kahit na magpaalam ka sa pa inosente mong girlfriend papayag yun dahil napaka people pleaser nya.
Margaret's POV
"A what?"
"Bachelor's Party daw madam baby eh, mga kaklase lang din naman natin kasama ko. Yung mga boys"
"Oh wala naman sigurong mga babae, diba?"
"Wala naman siguro, baka gusto lang nilang masulit na makakasama ako ng matagal tagal that night, and kung may babae man, hindi ako didikit sa kanila promise!"
"May tiwala naman ako sa'yo eh, saka okay lang naman siguro yun, normal lang naman na mag throw ng parties na ganyan kapag ikakasal na right?"
"Right, madam baby. Kaya wag ka na po mag overthink. Kilala mo naman kung sinong mga makakasama ko eh, saka di din po ako papaka lasing, uuwi ako sa'yo eh"
"No, you should spend the night sa bahay nyo, malayo pa yun dito eh."
"Hmm okay, bisitahin na lang agad kita pagka umaga, mhmm?"
"Okay, I love you"
"I love you more"
A bachelor's party will not be suspicious right?
"Sige na, I have to go. Gusto daw akong makita nila Elisia eh, catch up Wednesday namin today. I will see you later Lovie"
"Want me to drive you there? Para diretso na din akong office"
"Okay then"
Mga 45 minutes lang at nakarating na din kami sa Cafe kung saan kami kakain nila Elisia, Magnus even gave me a peck sa lips bago ako bumaba at nakita iyon ng mga kaibigan ko.
"Grabe ka "madam baby", di pa kami umu order ng dessert pero parang nilalanggam na dito."
"Kayo talaga! Haha how are you two?"
"Okay lang naman kami, goods na daw si Alice sa love life nya, ako naman goods lang sa pagiging non showbiz girlfriend ni Mingyu"
"Hay nako Elisia paano ka magkaka boyfriend nyan eh may nakasabit pa sa bag mo na picture ng Koreyanong hindi ka naman kilala?"
"Dedma sa bashers, anyway Marga our friend nag order na kami I hope you don't mind? Alam na namin usual mo eh"
"Oh okay, mukhang wala naman na akong time para pumili pa kasi may nalaman ako this morning lang"
"Omg looks so serious, what happened ba?"
"Nagpaalam kasi sa'kin si Magnus na they will be having a bachelor's party daw with the rest of our college friends and classmates"
"Uhm, dapat siguro di ka pumayag? Alam mo naman mga ganap sa ganyan, minsan they invite women to fvck with your boyfriend hay"
"But he told me di nya naman daw gagawin yung mga dapat"
"Okay let's say na di nya nga gagawin, pero pano kapag nandun na sya sa situation na yun?"
"Tama si Alice Marga, pero kung you trust naman Magnus, wala namang problema yun. But for the peace of your mind, better sigurong wag mo na syang payagan"
"Sino daw ba organizer nyan? Dapat you also asked for the address"
"I forgot to ask na eh, but let me check mamaya pag uwi nya, I will ask him"
Kagaya nga ng sinabi ko sa dalawa kong kaibigan ay itatanong ko kay Magnus kung saan ba sila magkikita kita.
"Lovie, pwede ko bang malaman kung saan daw kayo magkikita kita? I am just curious you know?"
"Uhm it's in the Lily Valley Hotel Madam Baby, si Rita ang nag organize ng party eh"
I knew it. Kaya pala masama ang kutob ko nung una pa lang. Base sa pinakita sa'kin ni Rita nung nasa Boracay kami, di malayong ganun ang gawin nya.
"Lovie, paano kaya kung wag ka na tumuloy? Like lets just spend the day ng magkasama, let's spend the night doon sa house natin?"
"Eh Madam baby, minsan lang naman sila mag aya eh, baka sabihin nila ang KJ natin"
Wala talagang paawat si Magnus kaya hinayaan ko na lang sya, ano man ang mangyari sa araw na yun ay sana lang umuwi pa din syang loyal at tapat sa akin.
"I will trust you on this one kasi nakikita ko naman kung gaano mo din gustong makasama ang friends mo, so don't break my trust please?"
"Halika nga dito Madam Baby ko, alam ko naman na mag iisip ka nang mag iisip dyan, pero I can give you my 100% assurance na hindi ako gagawa ng bagay na ikasisira ng relasyon natin. I will only do it with you okay? Pagkatapos na pagkatapos ng chillnuman with the boys uuwi agad ako samin okay? Di ko sila papansinin kung meron man"
"Promise?"
"Promise."
He kissed me on the lips para ipakitang totoo ang sinasabi nya