Rita's POV Natapos na ang bakasyon namin sa Japan, at schedule na namin ngayon para umuwi ng Pilipinas. Hindi man lang nasulit ang mga natural na atraksyon dito dahil sa palagi na lang kaming nasa hitel nitong si Magnus, pero wala naman akong reklamo doon dahil kahit papano ay kasama ko sya sa iisang lugar at nakakapag usap kami. Hindi na bali na ganun sya kung umasta. "Ayusin mo na ang mga gamit mo, aalis na tayo ngayong araw" "Sayang naman, hindi na natin nasulit yung lugar, sana makabalik ulit tayo dito" "Gusto mo dito?" "Oo naman, sino namang hindi? Napaka ganda kaya ng Japan" "Hayaan mo, kapag nakapag ipon ipon ako, pa sekreto tayo ulit na pumunta dito" Ngumiti naman ako sa sinabi ni Magnus. Maganda ang offer at ang intensyon nya pero alam kong hindi na ulit ito mangyayari pa.

