"I'll accept it." saad ko at tinignan si Lester.
"Sure ka ba? Sa Palawan ang shoot." tanong niya.
"Yes. Tumanggap ka ng mga kilalang brands lang, para may ginagawa naman ako paminsan-minsan." paliwanag ko sabay ayos sa damit ko.
"Okay then."
"Aalis na 'ko." paalam ko sabay labas ng unit. May usapan kasi kami ni Gil at Marco ngayon. Magkikita kami sa isang bar.
Naglakad ako patungo sa aking sasakyan, Yes I still have it. Pinaalaga namin kay Gil dahil siya lang naman ang naiwan sa Pilipinas noon.
I drived my car smoothly while tapping my fingers on the steering wheel. Slowly moving my head, feeling the beat of the music.
I parked it then immediately go inside the bar. I saw them sitting on the stool infront of the bar counter while talking and laughing with a good looking bartender. Etong dalawa talaga.
"Hey." I greeted them then kissed their cheeks.
"Inom ka na, bakla. Order ka lang sagot ni Gil." nakangising asar ni Marco at humarap kay Gil.
"Hoy! Kanya-kanya tayo ano, ang mahal kaya rito." mataray na sambit ni Gil bago uminom ng kanyang alak.
"Ito naman hindi mabiro!" inis na sabi Marco bago bumaling sa akin, "Saan mo hahanapin ang mag-ama no niyan?" tanong niya.
Tumingin ako saglit sa paligid bago siya samaan ng tingin.
"Ang ingay mo!" sabay hampas ko sa kanyang braso.
"Aray naman! Ang arte mo ha, parang sobrang taas mo namang tao! Duh. Sosyalera ang mga nakapaligid sa atin, hindi ka nangalahati!"
He's right. Mga mayayaman at sikat na tao nga ang halos makikita mo sa bar.
"Hindi ko alam. Bahay niya siguro?"
"Sino?"
Kumunot naman ang noo ko bago umiwas ng tingin.
"Edi yung ama."
"Ayos, magiging stalker ka," ngisi niya, "Can't wait to see the headline 'The famous model Ego Natividad caught stalking Dr. Dondarell De Santis' stalk well, wag papahuli." sabay halakhak niya.
"Ewan ko sa'yo."
"Sayaw tayo!" yaya ni Gil sabay hila sa aming dalawa.
I danced and swayed my hips sexily. Sinusulit ang gabi dahil paniguradong stress ang aabutin ko sa mga susunod na araw.
"Ego." That voice seems so familiar so I tried to look around and I saw nothing, I continued dancing till I got tired so I decided to go back on the counter and order some drinks.
Nakasimangot na bumalik si Gil at mabilis na ininom ang order niya.
"Bakit?"
"Kailangan ko ng umuwi, tumawag si Mama. Baka masakit na naman ang katawan." saad niya. Tumango naman ako at huminga ng malalim.
"Sige. Sabihin ko nalang kay Marco, yung mga pasalubong ko daanan mo nalang sa Unit ko ha. Nandoon na rin ang kay Tita." paliwanag ko, tumango-tango naman siya at naglakad habang kumakaway.
I waited for minutes before standing and trying to search for Marco. Ang bakla nakikipagsayaw sa lalaking nakatalikod sakanya!
"Ang harot mo!" sigaw ko sabay hila sakanya.
"Ay ang kj naman," sumimangot siya bago padabog na umupo sa stool, "Si Gil?" tanong niya
"Umuwi na." sagot ko.
"Baka hanap na ni Mother." tumango naman ako.
"Cr lang ako." paalam ko at dali-daling nagtungo sa palikuran.
Paglabas ko ng cubicle ay humarap muna ako sa salamin at inayos ang sarili.
Huminga ako ng malalim at humakbang palabas ng palikuran ng masagi ako ng kung sino.
"So, you're really back huh." That baritone voice! I turned around and met his dangerous gaze, full of bitterness and hatred.
"Dondarel.."