"Good morning class ngayon magkakaroon na tayo ng time trial" sabi ni sir. magkakaroon ng time trial pagkatapos nilang makapagtraining ng 1 buwan. marami kami ngunit iilan lamang ang nakapasa sa time trial na yun. Sa tagal na niya sa pagtakbo ay nawala na sa kaniyang isip yung dati niyang hinahangaan at laging nagtetraining sa court ng school nila. Unang laro ni Tiffany sa LPSH pangatlo siya sa mga nanalo at masaya na siya don dahil baguhan lamang siya ngunit nanalo parin.Isang araw sa school nila ay pinatawag siya ng kaniyang guro sa Filipino. "Tiffany bakit ganito 1st Grading mo 89 ka ngayong 2nd Grading 75 kana lang". naiyak na lamang ako sa nalaman kong Ito. Ewan ko pero ginawa ko naman lahat. Nagpasa Naman ako kahit papano pero bakit ganun. Napagdesisyunan kong tumigil muna sa pagtakbo dahil hindi pa ako marunong mag time management kaya siguro nagkaganoon ang mga grado ko pati sa ibang asignatura. Isang araw habang kakain pa lamang si Tiffany ay nag scroll muna siya sa f*******:. "Tinggg! tunog ng cellphone ko. Hmm sino naman ang nag add at nagmessage na to sakin? Johny Cruz Sino Naman tong taong to? clinick ko ang profile picture Niya at tinitigan siyang mabuti. Omaygosh siya yun yung kababata ko ?. Hala tagal narin simula nung huli ko siyang makita at makausap.
pumunta ko sa messenger at don ko nakita na nagmessage siya. "Hello. Kamusta kana?". Hala bat kinikilig ako hahahaha. Crush ko rin kasi siya dati eh. "Hello din. okay lang naman ikaw ba kamusta?" don na nagsimula ang paguusap namin.hanggang sa isusubo ko na ang kanin na kakainin ko ay bigla siyang nagmessage." Ahm Tiffany nakakahiya man pero aamin naku sayo." sabi niya. Para sakin wala lang iyon dahil hindi ko naintintindihan ibig niyang ipahiwatig kaya Naman tinuloy kona ang kinakain ko ng biglang nagmessage ulit siya." Gusto Kita Tiffany matagal na. Bata pa lang Tayo may lihim nakung paghanga sayo kahit inaasar asar ka nila Tomboy ka dahil sa kilos mo. diko alam bat ganito pero hinanap kita.". halos mabilaukan ako sa kinakain ko pagkabasa ko sa message Niya. buti nalang hindi ako nakita ni mama kung hindi sermon na naman ako na Puro cp na Naman. Nagreply si Tiffany kay Johny ." Ah hehe ayos lang yan . di Naman ako nangtataboy sa mga may gusto sakin. Ayos lang Naman maging magkaibigan Tayo Diba?". reply ko sa kaniya. bat ganito parang gusto ko replyan sinabi Niya ng oo gusto din Kita matagal na ngunit naduduwag ako. nakakahiya kaya kaibigan nalang muna.
Nagmessage naman ulit si Johny at sinabing "okay lang hindi Naman ako nagmamadali. maghihintay ako kung kailan ka puwede". Hindi na niya nireplyan pa si Johny. Pumasok siya sa kuwarto niya at nagisip isip. lumipas ang dalawang buwan na panliligaw sa kaniya ni Johny sa chat ay sinagot niya ito. LDR man sila dahil nasa Camsur si Johny at nasa Maynila naman si Tiffany ay hindi Ito naging hadlang sa pagmamahalan nilang dalawa. Lumipas ang Pasko at New Year ay Puro video call, chat at text lang ang naging komunikasyon ng dalawa. malapit na silang magisang taon . Grade 9 si Tiffany nito at Grade 10 naman si Johny. Meron nararamdaman si Tiffany di niya alam sa sarili Niya Ito ngunit si Tiffany ay may lihim. Kaya niyang manghula ng nararamdam ng isang tao .kung Ito ba ay nagagalit,natutuwa, kung kailan siya iiwan at higit sa lahat kung ano ang sasabihin nito sa kaniya. Para kay Tiffany ay Wala lang Ito. dahil akala niya ay hula nga lang walang kasiguraduhan.ngunit lahat naman ng nahuhulaan Niya nagiging totoo. at ayaw Niya hulaan si Johny dahil natatakot siya malaman kung alin ang totoo. Tinuloy nila ang relasyon nila. Kadalasan walang perang panload si Johny at lagi Itong linoloadan ni Tiffany. tanga at martyr na pero Mahal Niya Ito at gagawin Niya lahat para dito. Kung sa iba lalaki ang gumagastos sa relasyon nila baliktad si Tiffany ang gumagastos. habang tumatagal din ay si Tiffany nalang lahat pati effort para makausap to. laging dahilan ni Johny Wala siyang pera , minsan kung may pera man Ito ay pinambabayad Niya raw sa mga papel sa school at kung ano ano pang palusot. hinayaan Niya Naman Ito. "Tiffany baka hindi ako makapag open ng f*******: ng isang linggo at baka di rin Kita makausap kahit sa text o tawag ha.busy Kasi ako sa school". Naiyak na lamang ako sa nabasa ko at nagreply "Ganun ba sigee ikaw bahala alam ko Naman di Kita mapipilit eh. iloveyouuuu". ngunit hindi na nagreply pa si Johny. ilang beses ng ganoon ang nangyayare sa relasyon nila ngunit tinitiis Ito ni Tiffany dahil sa pagmamahal Niya sa lalaking to. Marami ng pumapasok sa isip Niya na mga hula niya pero hinayaan niya lang. Alam niyang hindi Ito nagsasabi ng totoo , alam niyang may itinatago Ito sa kaniya . Hinuli niya ito sa f*******: . Inopen Niya account nito habang siya Naman ay sa messenger nagrereply kay Johny. habang nagrereply sa kaniya si Johny ay nagrereply din Ito sa ibat ibang babae at lalaki. may mga HI pa pero grabe di na niya kinaya mga nababasa niya. tama hinala niya pero grabe hindi sa babae kundi sa baklang niyang teacher. WTF! grabe Naman talaga. naiiyak na lamang si Tiffany sa loob ng mahigit 10 buwan at dalawang buwan nalang isang taon na sila ay linuluko lang ba siya nito.