Matapos iyon, nakita ko na lang na mabilis na pinagpipindot ni Sir Xander ang cellphone niya. Hindi ko makita kung anong ginagawa niya, pero may hinala akong may kinalaman ito sa nangyayari dito sa lugar na kinaroroonan namin. Nagulat ako sa sumunod na mga nangyari, kinuha ng mga tauhan ni Sir Xander ang bawat cellphone sa paligid at pagkatapos at kung anu-anong pinindot. Kinuha naman ni Sir Xander ang cellphone niya at pagkatapos ay tila kinuhanan ng larawan ang lalaking mandurukot sa harap niya at pagkatapos ay may tinawagan at sinabing pumunta ngayon din sa lugar kung nasaan kami. Nawalan naman ng malay ang lalaking nakahandusay sa lupa. Nag-angat ang madilim na mukha si Sir Xander at tinapunan ng masamang tingin ang mga taong nakapalibot sa amin. "This will serve as a huge lesson

