May matinding takot at kaba akong nararamdaman tungkol sa bagay na ito. Paano kung dumating ang araw na pilitin siya ng kanyang ama at sa huli, pagbigyan niya itong pakasalan ang babaeng ipinagkasundo sa kanya? Nakikita ko namang matatag at may paninindigan si Sir Xander, pero marami na akong napanood tungkol sa mga palabas at teleserye na sa huli, nagtatagumpay ang mga magulang sa gusto nila para sa future ng mga anak, lalo na kapag pinag-uusapan na ang yaman at negosyo ng kanilang pamilya. Sabay kaming umakyat sa silid namin ni Sir Xander. Tahimik siya na tila ba may malalim na iniisip kaya hindi na ako nagtanong. Masyadong maraming nangyari ngayong araw, kaya hinayaan ko muna para makapag-pahinga rin siya. "Gusto mo bang sumabay sa aking maligo?" tanong ni Sir Xander nang makapasok

