Kagat ang labi para pigilan ang mga hikbing nakakulong sa mahapding lalamunan ko. Ayaw kong makita ako ni Sir Xander sa ganitong sitwasyon. Hindi maganda ang nangyari kahapon, hindi ko alam kung ano ang naging resulta ng ginawang test sa aming dalawa, dahil nakita ko ang malaking pagbabago sa kanya, hanggang sa bigla siyang umalis at umaga na umuwi, tapos lasing na. "I already warned you, don't ever send that bìtch here in the Philippines, but you didn't listen." Narinig kong sabi ni Sir Xander. Nanghihina na gumapang ako at sinilip ko siya. Nakatayo pa rin si Sir Xander malapit sa akin, hawak ang baril sa kanang kamay at may kausap sa cellphone. "Stop this nonsense, Ruslan. Alam mong kahit anong mangyari, hindi mangyayari ang gusto mo. I won't allow you to use me again like you used to

