For now, hindi ko kayang sabihin sa kanya ang tungkol sa kondisyon ko. Alam kong unti-unti ng nahuhulog ang loob ni Avery sa akin, it sounds selfish, pero ayaw kong kapag nalaman niya ang tungkol dito ay iwan niya ako. Nakakabakla man, but I admit, im afraid to lose her. Sa maikling panahon, naging isa na siya sa pinakamahalagang bahagi ng buhay ko na kahit kailan, wala akong pinayagang makapasok, dahil ayaw kong magmahal. Para sa akin, isa itong kahinaan, ito ang dahilan kaya lumaki akong mag-isa at walang buong pamilya. Now that Avery is with me, napakalaki ng pagbabago sa buhay ko. Everything became colorful, natagpuan ko na lang ang sarili ko na siya na ang priority ko. Napapikit ako ng maramdaman kong kumirot ang sugat sa balikat ko. Nakaramdam ako ng matinding sakit na tumagos ha

