Nasa ganito kaming tagpo ng marinig kong nagsalita si Sir Xander. "I have a question for you, Avery." Nag-angat ako ng mukha at tumingin sa kanya. Hinawakan naman ni Sir Xander ang kanang pisngi at panga ko, sabay halik sa sintido ko. "About what?" kinakabahan na tanong ko. "I have a friend, nagpakasal sila ng babaeng mahal niya, pero hindi alam ng asawa niya na kasal na silang dalawa. Sa palagay mo, ano kaya ang magiging reaksyon ng babae kapag nalaman niyang kasal na pala sila at hindi niya alam kung paano nangyari iyon?" seryoso ang ekspresyon ng mukha na tanong ni Sir Xander na kumuha sa atensyon ko. Na-curious naman ako, dahil mukhang intriguing ang kwento niya, kaya nagtanong ako sa kanya. "Paano? I mean, impossible naman na nagpakasal sila, tapos hindi alam ni girl, not unless

