"Kumusta po ang sugat ni Xander, dok?" hindi nakatiis na tanong ko. "Under observation pa po, ma'am. So far, stable naman na at hindi nagdurugo, pero sa ngayon, hindi po allowed na maligo sa tubig dagat si Boss Alexander," sagot ng doktor. Nakahinga ako ng maluwag. Nag-alala kasi ako na baka nakasama sa kanya ang katakawan niya sa sèx magdamag. "You can leave us now," seryoso at aroganteng utos ni Sir Xander sa doktor. Ang sungit talaga niya. Hindi man lang nagpasalamat sa doktor niya, kaya ako na ang nagsabi. "Ready na ang table for breakfast. Gusto mo bang bumaba or dito na lang kumain?" tanong ko kay Sir Xander nang sumara ang pintuan at lumabas ang doktor. "Let's go downstairs," sagot niya at bumangon na. Tinulungan ko siyang isuot ang damit. Hindi p'wedeng naka-sando lang si

