Nag-angat ako ng mukha at tumingin sa kanya. "Talaga, kasama ako?" excited na tanong ko. "Of course, baby. Your coming with me," agad na sagot ni Sir Xander. Simula ng sabihin niyang mahal na niya ako ay gano'n rin ako sa kanya, naging mas malapit kami sa isa't isa. Mas sweet na rin siya sa akin at hindi na ako nahihiyang maglambing sa kanya, lalo na kapag gaya ngayon na gusto kong niyakap siya. "Pwede ko bang dalawin mamaya si Harlen, Xander?" malambing na tanong ko sa lalaking katabi ko. "Hmm, bakit hindi na lang siya ang papuntahin mo dito?" tanong rin niya sa akin. "Sure ka? Baka magalit ka na naman kay Georgina kapag kasama siya?" natatawang tanong ko. Natawa rin si Sir Xander dahil ipina-alala ko sa kanya kung paano niya pinagselosan si George eh, kahit tinutukan niya iyon ng

