"Kailangan natin siyang dalhin sa hospital, Ma'am Avery. Hindi sapat ang medical facilities natin dito sa bahay para sa kondisyon ni Ailee," sabi ni Doctor Jaime na siyang narito ngayon. Ang bilis ng mga pangyayari. Tinawagan ni Miss Sylvia si Dimple na ihanda ang sasakyan at dadalhin namin sa hospital si Ailee ngayon din. May ikinabit na portable oxygen si Doctor Jaime kay Ailee, habang ako naman ay nagmadaling pumasok sa silid namin ni Xander at kinuha ko ang black card na binigay niya sa akin. Siguradong kakailanganin ko ito, dahil required ang deposit payment sa hospital kung saan namin dadalhin ang kapatid ko. Nang masiguro na nakuha ko na ang atm card at cellphone ko ay basta ko na lang binuhat ang maliit na handbag ko. Mabilis na nagbihis ako at pagkatapos ay patakbong lumabas sa

