"Ha? Bakit? I mean, wala namang sinabi sa akin ang doctor niya na kailangang operahan si Ailee, Declan," mabilis na tanong ko. "It's for your sister's good, Avery. Mas maganda at advance ang facility at treatment doon at higit sa lahat, magagaling ang mga doktor sa London," sagot ni Declan. Kung ako lang ang masusunod, hindi ko aayawan ang suggestion niya, pero paano ang iba ko pang kapatid kung aalis ako ng bansa? Pero teka, kasama nga ba ako? "Don't worry about her treatment, kami na ang bahala," sabi naman ni Jared na seryoso ngayon. Pormal at hindi naka-ngisi, hindi gaya sa usual na ekspresyon niya na malimit kong makita kapag pumupunta siya sa bahay ni Xander. "Get ready, aalis kayo ng bansa bukas ng gabi," sabi ni Declan na para bang pinal na ang desisyon niya at hindi ako p'

