Alam kong hindi ko maitago sa kanila ang sama ng loob at disappointment na nararamdaman ko ngayon, kaya ginagawa nila ang lahat para pagtakpan ang magaling na kaibigan nila. "We're not trying to cover him, Avery. Hindi lang kayang humarap ni Alexander sa iyo ngayon. His not stable," paliwanag ni Dexon. Nabaling sa kanya ang paningin ko at hindi ko napigilan ang sarili kong magtanong. "What do you mean na hindi siya stable ngayon?" Malinaw na nakita ko kung paano nagkatinginan ang mga kaibigan ni Xander. Para bang nag-uusap sila gamit ang mga mata, pero wala naman akong narinig na kahit ano mula sa kanila. "His injured. Napakaraming injury ang natanggap ni Alexander sa buong katawan niya. He couldn't even move in his bed. He can barely talk ng ma-rescue namin siya," seryoso at nakatin

