Mapait na natawa ako. Ito rin ang gusto ni Xander, pero hindi kami makakabuo dahil halos isang taon akong nag-pills. Last month lang ako tumigil, pero sigurado naman akong wala pang laman ang tiyan ko, dahil dumating ang buwanang dalaw ko. Mabuti na nga lang at nangyari iyon, isang linggo bago umalis papuntang Russia si Alexander. Bago siya umalis ay tapos na ang menstruation ko, kaya bumawi si Xander at ilang araw na nangulit sa akin. "Seryoso ako, Harlen. Paano nga? May ideya ka ba?" magkasunod na tanong ko. "Well, maliban nga sa church wedding, pwede naman na civil. Pupunta kayo sa judge yata, Aves, o kaya mayor, doon kayo magpapakasal. Iyan lang ang alam ko," paliwanag ng kaibigan ko. Ganyan rin naman ang alam ko, kaya nagtataka ako kung paano kami nagkaroon ng marriage certificat

