"Kasal na tayo, at hindi magbabago 'yan. It's not just about your body, hindi lust, but pure love at kahit anong mangyari, you will remain my wife.” Mapait na napa-iling ako sa tabi niya. "Mali ka, Alexander. Pumirma na ako sa annulment papers at alam kong hindi sasayangin ng tatay mo ang pagkakataong iyon, para ipakasal ka sa iba, kaya para sa kabutihan nating lahat, tama na, Xander." "No, Avery! No matter what happen, hindi tayo maghiwalay!" matigas na sagot ni Xander. "Don't ever think of leaving me, Avery, because it won't happen!" Lalo lamang akong nanlumo sa narinig ko. Ano pa ba ang gusto niya? Napakarami namang babae ang naghahabol sa kanya, kapantay ng estado niya sa buhay at tanggap ng ama niya, pero bakit ako? "Hindi ako bagay na p'wede mong ariin kung gusto mo, Xander,"

