"Ayos ka lang ba, Ma'am Avery?" tanong ni Carla na napansin marahil ang pananamlay ko. "Oo," maikling sagot ko. Inilapag ko ang basong ginamit ko at tumayo na. Walang lingon-likod na naglakad ako palabas at tinungo ang garden. Ito ang paborito kong spot ng bahay, pero malas ko, dahil narito na naman pala ang babaeng ayaw kong makita. "Hey, come here," tawag sa akin ni Diana. "May kailangan ka ba?" pormal na tanong ko. Imbes na sagutin nito ang tanong ko, pinasadahan niya ako ng tingin na para bang sinusuri niya ang kabuuan ko. "Who are you?" halos magdikit ang magandang hugis ng kilay na tanong ni Diana sa akin. "Avery," tipid na sagot ko. "Ikuha mo nga ako ng malamig na tubig at masyadong mainit ang panahon. Nauuhaw ako, and make it quick, ayaw kong naghihintay," mataray na utos n

