Wala na akong narinig na kahit ano mula sa kanya ng talikuran niya ako at mabilis na naglakad papunta sa elevator. Lihim na napangiti ako dahil kahit galit si Avery, hindi ako minura. Isa ito sa napapansin ko sa kanya. She's don't hold her temper kapag nagagalit siya, pero kahit minsan, hindi ko pa siya narinig na nagmumura, Hindi gaya kung paano mag-away ang mga magulang ko sa harap ko noong nag-sasama pa sila na para bang gusto na nilang magpatayang dalawa. Nakasimangot na lumabas sa elevator si Avery. Sumunod ako sa kanya dahil hindi ako papayag na doon na naman siya bumalik at magkulong sa guest room. "Bitawan mo ako, Alexander." Nagpupumiglas si Avery ng biglang hinawakan ko sa braso at hinatak papunta sa pintuan ng silid namin. "Simula ngayon, you will stay here with me," nagpipi

