Tinawagan ko si Jared, pero gaya ni Declan, hindi rin sinagot ng gagong iyon. Basta talaga gabi at kasama nila ang mga asawa ay hindi ko sila mapakinabangan. Wala akong ibang option kung 'di tawagan si Miller. "Ang aga mo namang tumawag, Alexander. Ano na naman ba ang kailangan mo?" iritableng tanong ni Miller. "Nawawala ang asawa ko, Miller at hindi maganda ang hinala ko," frustrated na sagot ko sa kaibigan ko. "What happened?" tanong rin ni Miller na alam kong nakuha ko ang atensyon niya dahil sa sinabi ko. "Bigla na lang siyang nawala. Hindi gumagana ang CCTV camera sa veranda kung saan ko siya last na nakita." Ipinaliwanag ko kay Miller ang nangyari, pero magkaiba kami ng assessment. "Baka tinakasan at pinagtataguan ka na ng asawa mo, kasi nalaman na niya ang ginawa mo, Alexander.

