"Kailangan nating isa-isahin kung sino sa council ang makikinabang ngayong mahina si Declan," sabi naman ni Jared. Alam ko ang ibig nilang sabihin. Immediately, we launch a serious investigation sa bawat member ng council. Inisa-isa namin ang profile ng transaction ng bawat nasa listahan. Wala kaming pinalampas, maging ang wealth na hawak ng each clan. Every single hour na lumipas ay mahalaga. Lahat kami ay abala sa paghahanap kay Draven at Avery. We all suspected na isang tao o grupo lang ang may hawak sa kanila. Mabilis lumipas ang oras, inabot na kami ng gabi sa paghahanap, pero wala pa rin kaming nakuhang lead. Wala rin akong natanggap na kahit anong phone call na humihingi ng ransom, para pagsimulan ko para ma-trace ang mga kidnapers na dumukot kay Avery at Draven. Nasa loob ako

