"Ayos lang naman ako. Hindi naman ako nagsusuka ng ganito sa bahay ni Tito Sabby. Hindi ko lang talaga gusto ang amoy dito sa loob ng kotse mo," nakapikit na sagot ko. Kahit paano, guminhawa ang pakiramdam ko. Binuksan na ni Xander ang salaming bintana ng sasakyan niya at nakainom na rin ako ng tubig. "I didn't change my perfume, pati na rin ang air freshener na usual na ginagamit ko sa lahat ng cars ko. Previously, okay ka naman, but why so sudden-" "Stop asking me, Xander. Masakit ang ulo ko at mabaho ka at itong kotse mo!" inis na sagot ko. Heto na naman ako, bigla na namang uminit ang ulo ko at kaunting kibot ay naiinis na naman ako. Hindi pa nga kami nagkakaayos ni Xander, tumaas na naman ang boses ko, which is hindi naman ako ganito noon, lalo na at mas gusto ko pa rin ang mah

