Dala ang cellphone ko ay kumuha ako ng ilang selfie ko. Matagal na akong hindi nagpi-picture sa sarili ko, dahil bukod sa sobrang busy ako ay nawala na talaga ito sa mga priorities ko. Matagal na pinagmasdan ko ang buong lugar na naabot ng mga mata ko, hanggang sa lumubog ang araw at dumilim ang kapaligiran. Ang ganda ng paligid. Napaka-peaceful. Ang swerte naman ng mga taong nakatira dito, na-e-enjoy nila ang ganito kaganda at tahimik na lugar. Pakiramdam ko ay nasa probinsya ako, lalo na at wala akong nakitang malapit na mga kapitbahay, tapos puro malawak na kakahuyan ang nakikita ko sa ibaba ng bundok. Ngayon ko mas na-appreciate ang maliit na bahay na pinatayo ni Sir Xander. Tama nga ang hinala ko, nasa mismong gilid ng bangin ito nakakabit sa bato, kaya natakot akong muling bumali

