Mas mabuting tapusin na namin ang lahat. Simula ng tanggihan ko siya kanina, tahimik na ang lalaking kasama ko, hanggang sa sabihin niyang maligo na ako at kumain na kami dahil babalik raw na kami sa Maynila. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. Hindi nakaligtas sa gilid ng mga mata ko kung paano ilang ulit kong nakitang sumulyap sa akin si Sir Xander, pero kahit minsan ay hindi naman niya ako kinausap. Sa mismong tapat ng kanto kung saan ako sinusundo at hinahatid ni Dimple, tumigil ang sasakyan ni Sir Xander. Akmang bababa na sana ako, pero hindi ko mabuksan ang naka-lock na pintuan. "So, you're going down without saying goodbye?" seryosong sabi ni Sir Xander, kaya bigla akong napatingin ako sa kanya. "I'm sorry. But honestly, I don't know what to say," napayukong sag

