Kahit naman kasi umayaw ako, sa tingin ko, wala rin akong ibang option para tanggihan si Sir Xander, dahil nakita ko ang ginawa niya kay George kanina. "Accept it for your own good and your siblings benefits, Avery." seryosong sagot ni Sir Xander sa akin. Tama naman siya, pero paano naman ako? Hindi ko na napigilan ang tumulong mga luha at mabilis na naglandas sa magkabilang mga pisngi ko. Pumikit naman ako para sana pigilan itong umalpas sa mga mata ko, pero huli na ang lahat at nakita na ito ng katabi ko. Ramdam ko kung paano niya ako kinabig at muling niyakap nang mas mahigpit. Walang salitang namagitan sa aming dalawa. Basta umiyak lang ako sa balikat niya at hinayaan naman ako ni Sir Xander. Hindi ko nga alam kung gaano katagal akong nasa ganitong sitwasyon. Wala na akong pakiala

