"Yes," napangiting sagot ko. "Then, good. You seem so happy now. You finally liked the girl, huh?" Lalong lumawak ang ngiti sa labi ko. Walang ideya si Madrigal kung sino ang babaeng pinakasalan ko. "Yeah, the moment I laid my eyes on her, I knew I liked her, kaya pinakasalan ko agad." "That's great, man, para hindi ka na pinagseselosan ni Miller at Laxamana," natatawang sagot ni Declan. Natawa ako sa sinabi ng lider ng Magna El Cajon at isa sa mga Aces ng organization. "Ikaw, kailan ka magseselos sa akin?" naka-ngising tanong ko. "Gago! Hindi ka type ng asawa ko." Lalong lumakas ang pagtawa ko. Basta talaga pagdating sa mga asawa nila, daig pa ng mga kaibigan ko ang aagawan ko palagi. Sobrang territorial, lalo na si Laxamana na itinago pa sa isla si Camilla. "Kidding aside, man

