"Anong ginagawa ninyo dito?" kunot ang noo na tanong ko sa mga kaibigan ko. "Tuturuan ka namin, para expert ka na sa honeymoon ninyo mamayang gabi ng asawa mo," naka-ngising sagot ni Jared. Kung hindi ko pa alam, sigurado akong siya na naman ang pasimuno kaya nandito silang tatlo. "Where's your wife?" tanong ni Declan na gumagala ang paningin sa buong paligid. "She's not here," tipid na sagot ko. "So, if she's not here, why is everyone so busy cleaning the whole house?" tanong naman ni Dexon. "Yeah, pati sahig, nilampaso at sinabon pa ng mga katulong mo," sabi naman ni Declan. "Gusto ko ng malinis na bahay. Kauuwi ko lang, kaya pinalinis ko dito," kibit-balikat na sagot ko, sabay sandal ng likod sa sofa "Interesting," komento ni Jared. "Since hindi naman pala si Chanel ang pinaka

