Dahil alam ko na ang daan papunta sa wardrobe ay dito na ako tumuloy. May suot naman akong roba, pero naisip kong tingnan kung may maayos na damit ba akong p'wedeng isuot habang narito ako ngayong araw. Ang sabi kasi ni Sir Xander kagabi, may mga damit raw siyang binili para sa akin na gagamitin ko kapag narito ako. Namangha ako nang buksan ko ang pintuan ng cabinet na sinabi niyang para sa akin. Puno ito ng damit pambabae at hindi maikakailang bago pa, dahil may mga tag prize pa nga ang iba. I wonder kung paano niya nabili ang lahat ng ito sa loob lamang ng maikling panahon. Kung sabagay, mayaman siya, kaya hindi ko na dapat iniisip ang tungkol dito dahil may kakayahan naman siyang gawin at makuha ang gusto sa isang pitik ng mga daliri niya. Suot ang maxi dress na napili ko ay lumab

