"Kailangan mo ng masanay na ganito tayo, Avery, because what we have is real," mahinahon na sabi ni Sir Xander. Kinabig niya ako kaya dumikit ang noo ko sa balikat niya. Para tuloy akong batang paslit na yakap ni Sir Xander at nakaupo sa kandungan niya. Kusang yumakap sa balikat niya ang mga braso ko at piniling maging komportable ang pakiramdam ko habang yakap namin ang isa't isa. Hindi ko alam kung gaano katagal kaming ganito. Nakapikit ako habang tila musika sa pandinig ko ang naririnig kong mahina at kalamadong pintig ng puso ni Sir Xander. Ang bango rin ng pinagsamang amoy ng sabong ginamit niya, maging ang panlalaking pabagong malimit kong maamoy sa kanya. "Hmmm," mahinang ungol ang narinig ko mula kay Sir Xander ng umayos ako ng upo at dumikit sa leeg niya ang mukha ko. "Mas

