Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob na bitawan ang mga salitang sinabi ko. Ang nakakainis pa, nakita kong bahagyang tumaas ang gilid ng labi ni Sir Xander na tila ba natutuwa siyang naiinis ako sa ginawa niya. Teka, bakit parang ang demanding ko naman yata ngayon, gayong wala naman siyang sinabi ng umalis siya na tatawagan niya ako at magte-text sa akin kapag nasa London na siya? Nag-assume lang pala ako kasi ang akala ko ay okay naman kaming dalawa. Inis na sinimangutan at inirapan ko si Sir Xander. Hmp, masisisi ba niya ako kung nag-expect ako ng maayos na komunikasyon noong umalis siya kasi maayos naman ang lahat sa pagitan naming dalawa. "So, na-missed mo ako," narinig kong sabi ni Sir Xander. Hindi ito tanong kung 'di parang gusto niyang i-convince ang sarili na

