Ngumiti sa akin si Sir Xander at inabot ang isang pirasong puto. "Sure, I'll try some." Hinayaan ko siyang kumain habang ako naman ay nilantakan ko ang pagkaing binili namin kanina. Kapag pagod ako sa trabaho, gusto ko talagang kumain sa umaga, lalo na at wala akong sapat na tulog sa gabi. "Why didn't you use your card?" bigla ay narinig kong tanong ni Sir Xander. "Nawala mo ba?" "Which card?" nagtataka na tanong ko. "The black card I gave to you, bago ako umalis," seryoso ang ekspresyon ng mukha na sagot ni Sir Xander. "Ah, yun ba? Nahihiya kasi ako. Pera mo 'yun, kaya hangga't maaari, ayaw ko talagang galawin kung hindi naman kailangan. Isa pa, maayos naman ang trabaho ko." Nakita ko kung paano nalukot ang mukha ni Sir Xander dahil sa narinig na sagot ko. Alam kong hindi niya nagu

