"Tanghali na, baka abutan tayo ng mga bata, nakakahiya," mahinang sabi ko kay Sir Xander. "Yeah, yeah, right." Nakahinga ako ng maluwag ng marinig kong sumang-ayon si Sir Xander. Lumuwag ang braso niya sa bewang ko, kaya agad akong bumangon kahit nahihiya dahil hubàd kami pareho. Mabilis na inabot ko ang towel na ginamit ko kanina at bumaba para maligo. Hubo't hubad na nakahiga pa rin sa kama si Sir Xander nang bumalik ako sa silid ko, kaya sinabi kong bumangon na siya at magbihis. Mabuti na lang at nakinig siya, mabilis na bumangon si Sir Xander at bumaba para maligo rin. Sinamantala ko ang pagkakataong wala siya at mag-isa lang ako dito sa silid. Pinalitan ko ang punda ng mga unan, maging ang kobre kama dahil napakagulo na. Dalaga na si Aila, nakakahiya kapag nakita niyang daig p

