"Ah, ano gusto mong inumin?" tanong ko kay Sir Xander ng walang magsalita kahit isa sa kanila ng mga kaharap namin. "I'm fine with whiskey," sagot ng katabi ko. Sinabi ni George kung ano ang variety ng whiskey na meron sila dito sa bar. Dahil wala ang brand na tinanong ni Sir Xander na may pangalang Dalmore 50, cost of three million per bottle daw ang prize at 'di afford ng bar ng kaibigan ko, kaya pumili na lang siya ng Jack Daniels Old No. 7 Tennessee Whiskey. Tumayo si George at siya mismo ang kumuha ng order ni Sir Xander. Hindi nagtagal, bumalik siya kasama ng isang waiter, dala ang isang bote ng inumin at may kasama pang sisig at fried chicken. "Wow, bongga, sure masarap 'yan!" malakas na bulalas ni Harlen ng makita ang iba pang pulutan na dala ng tauhan ni George. "Enjoy the n

