Bumaling ako sa mga kapatid ko. "Okay ka na ba dito, Aila o gusto mong kasama si Ailee?" "Kaming dalawa na lang dito, Ate Aves. Ang laki naman ng room, eh. Kahit nga dito pa kayo matulog lahat kasama si Arnel, kasya tayo." Napangiti ako, malapit talaga kami sa isa't isa ng mga kapatid ko. Kung sabagay, tama sila, napakalaki ng silid na ito kaya kasya kami at maluwag pa, pero alam kong hindi pwede dahil doon ako tutuloy sa room ni Sir Xander. "Tara, tingnan natin ang room mo, Arnel," excited at nakangiting yaya ko sa kapatid ko. Sabay-sabay kaming lumabas, kasama ang tauhan ni Sir Xander at hinatid kami sa katabing silid na para kay Arnel. "Wow, ang ganda naman dito," bulalas ng kapatid ko. Pang-lalaki kasi ang disenyo. Katulad rin sa room ni Aila at may sariling telebisyon at ref

