Dudugo ang ilong ko kay Dexon. Inglesero rin ang isang ito, mabuti na lang at tagalog magsalita si Declan at kahit paano ay tag-lish naman si Jared kahit pilipit ang dila. "Salamat sa concern ninyo sa akin, pero okay lang ako,” nakangiting sagot ko. Kahit paano, medyo okay na ang pakiramdam ko na kaharap at kausap sila. Daig pa ni Sir Xander ang bunso sa grupo nila at pinoprotektahan ng kanyang mga nakatatandang kapatid kung umasta sila. Kahit bilang lang ako kung magsalita at sumagot sa kanila, naging maayos naman ng usapan namin. Sinagot ko na lang ang ilan sa tanong ni Declan, na siyang tila lider sa grupo dahil siya lang naman ang malimit magtanong sa akin. "P'wede ko bang malaman kung bakit hindi maayos ang relasyon ni Xander at ng father niya?" tanong ko sa tatlong kaharap ko. "

