"Opo, ate. Kanina pa po," magalang na sagot ng kapatid ko. Natuwa naman ako. Ngumiti ako sa kanila at bumaling ang mga mata sa malaking screen sa harap namin. Mukhang maganda ang palabas, kaya tutok ang atensyon nila sa telebisyon. Napatingin ako sa katabi ko nang biglang umakbay sa balikat ko ang braso niya at kinabig ako palapit sa kanya. "How do you feel now?" mahinang tanong ni Sir Xander. "Okay naman," maikling sagot ko. Naiilang kasi ako dahil sa sweetness na pinapakita niya, tapos kaharap pa namin ang mga kapatid ko. "Kumain na ba kayo ng dinner?" tanong ko sa mga kasama ko. "Tapos na po kami kanina pa, ate. Kayo na lang ni Kuya Xander ang hindi pa nagha-hapunan," sagot ni Aila, kaya napatingin ako sa lalaking katabi ko. "Bakit hindi ka pa kumakain?" Pinisil ni Sir Xander

