Chapter 9-2

730 Words

"Ate," tawag sa akin ni Aila ng makita akong dumating dito sa labas ng emergency room. Mabilis siyang tumayo at niyakap ako ng mahigpit. "Kagabi pa kita tinatawagan. Hinanap ka namin ni Arnel, pero kahit si Ate Harlen, hindi raw niya alam kung saan ka nag-part time, tapos hindi mo rin sinasagot ang mga tawag at text messages ko." Ramdam ko ang pag-aalala sa tinig ng kapatid ko. "Salamat at nakabalik ka na dito. Sobrang natakot ako na baka hindi ka namin mahanap ng hindi ka sumagot kagabi," humihikbi pang sabi ng kapatid ko. "Ayos lang ako, Aila. Naghanap kasi ako ng pera para sa operasyon ni Ailee," naluluha at emosyonal na paliwanag ko sa kapatid ko. "Yun na nga, ate. Kaninang umaga, bigla na lang nanginig ang buong katawan ni Ailee, kaya tinatawagan ka namin. Takot na takot kami ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD