"Look, ayaw ko. Baka mag-selos ka na naman sa akin kapag inuwi ko sa bahay si Camilla," sagot ni Sir Xander na ngumisi pa. "Ano ba kasing gagawin ko d'yan sa isla mo?" tanong pa nito sa kausap. "Well, I'm not interested not unless-" Narinig kong tumawa ng malakas si Sir Xander. Ngayon ko lang siyang nakitang ngumiti at magaan ang awra. Mukhang maloko talaga siguro ang lalaking katabi ko. Busy siya sa kausap, pero nakaakbay na ang braso niya sa balikat ko, habang marahang hinahagod ang braso ko at kausap ang kung sino sa cellphone niya. "Sige, deal. Wala ka namang bayabas sa isla mo. Paunahan na lang tayo kung sino ang magmamana sa trono. Remember, naghahanap na ang mga tauhan ko, para matahimik si Dexon at hindi tayo ginugulo ng gagong 'yon," naka-ngising sabi pa ni Sir Xander. Dahil

