Kabanata 13

1785 Words
Dedicated to: Mary Ann Canlas Fulgar Hindi na mabilang ni Tereesa kung ilang beses na siyang napabuntonghininga. Hindi na rin niya maalala kung ilang oras na siyang nakasimangot. Ang alam lamang niya ay naiinis siya. Nagseselos at nasasaktan. She was definitely heart broken. Seeing Andrew with Laura was something she wasn't prepared of. Halata naman kasi sa kilos ng dalawa na malapit ito sa isat-isa. Nakikita niya sa mata ng babae ang kasiyahan kapag kausap nito ang binata. Even Andrew's eyes were full of adoration while looking at the woman. Ang mas nakakalungkot ay para bang hindi siya napapansin ng binata habang magkasama ang dalawa. "Bakit naman ang tahimik mo, Eesa?Kwentuhan mo naman ako tungkol sa 'yo," wika ni Laura. Tinapik pa nito ang balikat ni Tereesa. Magkatabing nakaupo sina Laura at Tereesa sa maliit na barn na nasa loob mismo ng taniman ng mga niyog. Parehong nakatanaw sa mga manggagawa na abala sa kani-kanilang gawain. Ang parteng ito ng hacienda ay ang dulong bahagi kung saan kanugnog na ng Hacienda Vergara. Dinala sila roon ni Andrew matapos sabihin ni Laura na gusto nitong kumain ng buko. Dahil doon ay hindi maiwasan ni Tereesa ang makaramdam ng inis sa babae. Kung makaasta kasi ito ay para bang nobya ito ng binata. Hindi nga ba? That was the question that kept on popping in her head. Mukhang close naman kasi ang dalawa. Mukhang malalim ang pinagsamahan. Sino lamang ba siya kung ikukumpara dito? The woman too screamed sophistication and class. Natural kung kumilos at walang arte. Hindi kagaya niya na isang reklamador at walang alam. Isang mapagpanggap. Mas lalo siyang nakaramdam ng inggit dahil sa naisip. Napakababaw niya, oo. She was thinking out of logic too. Umaakto siyang parang kaniya na si Andrew dahil lang sa sinabi nitong liligawan siya. Natatakot siyang maagawan sa isang bagay na hindi naman kaniya. Natatakot siyang mawala ito. She was afraid that after Andrew's confession yesterday, he was just lying to her all along. Kaya nang imbitahin din siya ni Laura para sa “buko hunting” nito ay sumama siya kaagad nang walang pagdadalawang-isip. "Ayaw mo ba sa akin, Eesa? Napapansin ko kasi na kanina pa ako salita nang salita rito pero hindi ka naman sumasagot." Malungkot ang boses ni Laura. Bigla naman siyang na-guilty dahil doon. Nilingon niya ito at kiming nginitian. "S-Sorry. Ano nga 'yong sinasabi mo?" tanong niya. Natawa ito. "See? Hindi ka pala nakikinig. Pasensya na. Masyado talaga akong FC," sagot nito. "FC?" Naguluhan siya. "Feeling close." "Sorry," tanging nasabi na lamang ni Tereesa. Lihim siyang napabuntonghininga. "Ayos lang. Hayaan mo na." Tumayo ito. "Puntahan na lang natin si Andrew. Bored na kasi ako rito." Nagsimula itong maglakad. Tumayo na rin siya at sinundan ito. Maraming damo ang kanilang nadaraanan. Ibat-ibang klase iyon. Mayroon ring mga ligaw na bulaklak. Napakatahimik ng paligid at tanging huni ng mga ibon sa himpapawid lamang ang maririnig, para bang nagkakasiyahan ito dahil sa maaliwalas na panahon at bughaw na kalangitan. Sumasabay sa malamig na simoy ng hanging Amihan. "Magandang araw, Mayora," bati kaagad ng kabo sa kanilang pagdating. Sinulyapan din siya ng matanda. "Magandang araw rin sa 'yo, Eesa." Ngumiti ito na sinuklian naman niya ng isang tipid na ngiti rin. "Magandang araw naman po, Nanay," magalang na sagot ni Laura. Humalo ang dalawa sa grupo ng mga trabahanteng abala sa pagpulot ng mga berdeng niyog. Kaagad na hinanap ni Tereesa sa kaniyang mga mata si Andrew ngunit hindi niya makita ang binata. Nagtaka siya. Kasama kasi nila ito kanina kaya imposibleng mawala ito. Gusto niyang magtanong pero pinigilan niya ang sarili. Pinilit na lamang na makihalubilo sa mga naroon. "Napakaraming buko ang kinuha nila. Kasi naman itong si Andrew. . ." Napailing ang matanda. Inilibot sila nito sa tumpok ng mga berdeng niyog. May mga trabahante na roong abala sa pagbiyak at pagkuha ng laman nito maging sa paglalagay niyon sa malinis na lagayan. Si Laura ay nakihalubilo na rin sa mga naroon. Tumulong ito sa mga manggagawa. Habang hindi naman alam ni Tereesa ang gagawin. "Eesa, samahan mo muna ako." Inagaw ng kabo ang kaniyang atensiyon. Kaagad naman niya itong binalingan. "Saan po?" Tumayo siya. Pinagpagan ang sarili. Sinilip niya si Laura at nakitang kumakain na ito ng buko. Gusto niya rin sanang kumain ngunit ipagpapaliban na muna niya iyon. "Doon." Ngumuso ang matanda at itinuro ang dulong bahagi ng niyugan. "Sige po." Sumama si Tereesa sa matanda at iniwan si Laura na abala pa rin sa pagkain. Hindi na siya nagpaalam sa babae. Nahihiya siya dito dahil sa kaniyang pagtrato rito. Mabait naman kasi ito sa kaniya. Sadyang selosa siya pagdating kay Andrew. Na hindi naman dapat. Dahil wala naman siyang karapatan. Dahil walang sila. "N-Nasaan po si Andrew?" Sa wakas ay nagawa niyang magtanong. "Nandoon sa pupuntahan natin, Hija," sagot naman nito. Kinabahan si Tereesa. Magkikita sila ni Andrew. Ano ang gagawin niya kapag nakaharap ito? Tatanungin? Babalewalain o hayaan itong ito mismo ang kumausap sa kaniya para magsabi? She was very occupied that she didn't notice that the old lady already stopped from walking. Nasaktan siya nang mauntog sa likuran nito. Sinalat niya ang sariling noo. 'Focus Tereesa! Focus!' she chanted. "Oh, ayos ka lang ba?" Bumaling ang kabo sa kaniya. May pag-aalala ang tingin nito. "Ayos lang po," sagot niya. Lihim na pinagalitan ang sarili sa katangahan. "Ayown si Andrew." Tinuro nito ang isang malaking puno ng niyog. Nagtaka si Terees. Napakunot ang noo. Gusto niyang tanungin ang matanda kung nasaan, ngunit nang tingnan niya ito ay nakatingala ito. Sinundan niya kung saan ito nakatingin ay ganoon na lamang ang kaniyang gulat nang makita si Andrew sa ibabaw ng niyog; tila may inaayos. Kinabahan siya para sa binata. Sa tayog ng niyog ay tiyak na. . . Umiling si Tereesa. "Sir Andrew! Nandito na po si Eesa!" sigaw ng kabo. Kaagad namang bumaling si Andrew sa kanilang puwesto at tumango. "Salamat po!" sagot nito. Nanlaki ang mga mata ni Tereesa. Ibig sabihin inutusan nito ang matanda para dalhin siya sa lugar na iyon. Para ano? Nakipagsabwatan pa ito sa kanilang kabo. Bakit? Bumangon ang kaniyang inis. Nagbalak siyang tumalikod at umalis. Ngunit, nakita niyang malayo na ang matanda mula sa kaniya. Iniwan siya nito kasama si Andrew! Mukhang naisahan siya nang hindi niya alam. Huminga siya nang malalim. Itinaas niya rin ang tingin. Naroon pa rin si Andrew sa puwesto nito habang nakamasid sa kaniya. Ang kabang nadarama para dito ay napalitan ng inis. Bakit pa kasi kailangan pa siyang papuntahin nito? Ano ba talagang gusto nito? "Ano bang gusto mo sa akin?" tanong niya. "Bakit hindi mo ako kinakausap?" buwelta nito. Napamaang siya. Siya pa talaga ang inakusahan nito? "Ano'ng sinsabi mo?" balik tanong niya. "Come on! Don't lie, Tereesa." Andrew's words were full of conviction. Nanlaki ang mga mata ni Tereesa. Tinuro niya ang sarili. "Ako pa talaga ang nagsisinungaling?" Nakita niyang nagpalit si Andrew ng puwesto. Kinabahan muli siya para dito. Nagsimula na ring lumakas ang hangin at ang dahon ng niyog ay sumasabay rin sa ihip. Imbes na mainis pa lalo ay pilit na lamang niyang pinakalma ang sarili. Napabuntonghininga siya. "Bumaba ka muna d'yan!" "Kakausapin mo na ba ako?" tanong muli nito. "Bakit ba ang kulit mo?" Inayos niya ang suot na salamin. Ibinalik kasi kaagad ito nina Evander at Rex Van nang dumating si Andrew sa kwadra. Hindi na rin sumama ang dalawa sa kanila. Narinig niya kasing uuwi na ang mga ito sa Metro. "Kinakausap na kita." "Not in a sarcastic way." Aba! May gana pa talaga itong mag-request? Napabuga siya ng hangin. "Please, Andrew," pakiusap niya. "Bumaba ka na d'yan!" "Kakausapin mo na ako?" hirit pa ni Andrew. Makulit din at ayaw paawat.  Napapikit na lamang si Tereesa. Bakit ba ang kulit nito? "Oo na," sagot niya kapagkuwan.  Naging masunurin naman si Andrew. Mabilis itong pumanaog. Ang hindi alam ni Tereesa, sanay na ito sa pag-akyat ng niyog o kahit anong puno. Madalas din kapag walang bakanteng trabahante ay ito ang kumukuha ng natural na katas ng niyog. Tuba ang tawag sa probinsiya niyon at nagiging alak o suka kapag na-ferment. Nang makababa ang binata ay nilapitan kaagad nito si Tereesa. May ngiti sa labi habang matiim na nakatitig sa dalaga na halatang inis sa kaniya. Naka-cross arm pa ito at nakasimangot. At kahit nakasalamin ay bakas pa rin ang magkadikit nitong kilay. Tereesa was so cute. Lahat ng adjective na alam niya ay puwede itawag sa hitsura nito. She was so adorable. Innocent but feisty. At habang papalapit siya dito ay hindi mapigilan ng kaniyang puso ang paghuhurumentado niyon. That was her effect on him. Making his heartbeat gone crazy with her stare. A simple interaction, yet, could drive him nuts. Walang ideya ang maliit na babaeng ito kung paano nito gawing naghuhurumentado ang kaniyang puso. "Hi!" bati kaagad ni Andrew nang makalapit kay Tereesa ngunit hindi sumagot ang dalaga. Nanatili itong nakatitig sa binata. "I thought you will talk to me?" Akma itong tatalikod nang pinigilan ito ni Tereesa sa kaliwang braso. Napangiti si Andrew ng lihim, pagkatapos ay bumalik sa kaseryosohan ang mukha nito nang humarap muli sa dalaga. Tereesa was still in her expressionless facade. Her lips were pursed. Tila tinatantiya kung ano ang sasabihin. Sa huli, napabuntonghininga ito. Binitiwan ang braso ni Andrew at taas-noong tinitigan ang binata sa mga mata nito. Inipon niya ang lahat ng lakas ng loob bago nagsalita. "Girlfriend mo ba si Laura? Kung girlfriend mo siya, bakit mo ako liligawan? Are you cheating on her! You idiot!" she spat. Hindi nakaimik si Andrew ng ilang sandali. He processed everything she said and after a while, he wanted to burst out laughing. Kinagat niya ang sariling labi para pigilan ang itinatagong ngisi. He clenched his jaw. He knew it, Tereesa was jealous. A light bulb invisibly showed up on his head. "Puwede naman nating gawing sekreto ang lahat." "What the?! Gagawin mo akong kabit?" Tinuro ni Tereesa ang sarili. Naaaliw na pinagmamasdan lamang ito ni Andrew. "No way! Basted ka na!" Tumalikod si Tereesa. Ngunit bago pa man ito makagawa ng hakbang ay niyakap na ito ni Andrew mula sa likuran. Naestatwa ito. Habang napapikit naman si Andrew. The familiar feeling abruptly showed up. Images came flashes. Memories from that one hot night in the elevator suddenly took over. "Did you feel that?" Andrew broke the silence. Tereesa nodded. Bigla siyang nakaramdam ng panghihina ng sariling mga tuhod. Gusto niya ring kutusan ang sarili dahil sa isang alaala. A memory that haunted her for a while now. It was her and a faceless man. Ngunit hindi na ito walang mukha ngayon. Because she saw images of her and Andrew in that one hot encounter. @SheinAlthea   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD