Kabanata 1

1607 Words
Hindi maiwasan ni Andrew ang makaramdam ng panibugho habang nakatanaw sa dalawang taong espesyal sa kaniya. Nagpapalitan ng mga salita ng pagmamahalan ang mga ito sa ikalawang pagkakataon habang nakangiti. Napapaluha pa ang kaniyang kapatid na si Bernard habang nanunumpa ito ng katapatan sa asawang si Laura. Halatang masaya ang mga ito sa simpleng kasal. Masaya rin naman siya para sa mga ito. Tinanggap na rin kasi niya sa sariling hinding-hindi mapapasakaniya ang babaeng iniibig ng kapatid na iniibig niya rin. Gayunpaman, hindi niya maiwasang malungkot. Magselos. Hindi na rin kasi siya bata at gusto na rin niyang lumagay sa tahimik. Ngunit sadyang mapili ang puso niya. Mailap. Sa edad na tatlumpu’t-tatlo ay wala pa siyang nagiging nobya. Napabuntonghininga si Andrew at napailing. Mapili nga ba siya? Did he set his standard high? Pakiramdam niya ay hindi. Sadyang tulad nga ng sabi ng pari sa liturhiya nito, may tamang tao para sa lahat. Kahit gaano pa ito katagal. Ang tanong na lamang ni Andrew ay kung kailan darating ang babaeng para sa kaniya. Matapos ang seremonyas ay nagpaalam na rin si Andrew sa mga magulang. Pinuntahan niya rin ang bagong kasal at nagpaalam sa mga ito. Hindi man pumayag ang kaniyang kapatid ngunit wala rin itong nagawa. Matigas ang ulo niya sa mga bagay na gusto niyang gawin. And this time, he wanted to attend to his brotherhood's exclusive party. Sa mismong ekslusibong village na pagmamay-ari nila iyon gaganapin.   Tiningnan ni Andrew ang kaniyang Rolex na relo. Napamura at napailing siya nang makitang malapit nang magsimula ang party sa napag-usapang oras nito. Ibig sabihin, kailangan na niyang magmadali kung ayaw niyang masabon ng sermon ng kapwa niya miyembro sa kanilang elite club. Ilang sandali ay sakay na si Andrew sa kaniyang private chopper. Ang tanging kasama lamang niya ay ang piloto nito. Makalipas ang ilang oras ay naramdaman na niyang lumalapag ang sinasakyan mula sa himpapawid. Nang silipin niya ang labas mula sa bintana ay gumaan kaagad ang kaniyang pakiramdam. Finally, he has arrived. "Man! Akala namin hindi ka na pupunta." It was Rex Van Montemayor, the happy go lucky. Miyembro din ng Elite. Inakbayan siya nito. "I don't want to waste my Ferrari again. Masyado nang namumuro si Evander sa akin." Umiling si Andrew at natawa nang matanaw niya sa 'di kalayuan ang tinutukoy. Nakangisi ito habang may nginunguya. "Stop blaming me, Guerrero. You know you're a talkshit when it comes to the Elite's exclusive party. Himala na lang na nandito ka." The man paused and gave him a welcoming embrace. "Is it because of the invited models and chikababes?" bulong nito sa kaniyang tainga. Natawa si Andrew. Natawa rin ang dalawang kasama. Inambaan niya si Evander ng pabirong suntok na kunyari ay sinasalag naman nito. Meeting his friends in a situation like they had a while ago was a breath of fresh air for him. Nakakalimutan niya ang problema sa probinsiya at maging ang mga insekyuridad niya sa buhay. "What the hell, Fuckers! Tatayo na lang ba kayo d'yan at magtatawanan? I'm cold for God's sake if you did not notice it." It was Zico Ajax Chavez walking towards their direction. "Kasalanan mo 'yan! Sino namang nagsabi sa 'yong maghubad ka papunta rito sa rooftop!" sigaw naman ni Evander pabalik kay Zico na sinagot lang nito ng isang middle finger. "Ang tatanda niyo na, away pa rin kayo nang away." Napailing si Andrew. Sinipat niya rin ang tatlo at nakitang nakahubad nga si Zico at tanging boxers lang ang suot. Taliwas sa dalawang katabi na may white Tshirt pang suot at khaki shorts. "Let's go, Fucker, baka hinahanap na tayo ni X," singit ni Rex Van. Tumango ang lahat at nagsimulang maglakad patungo sa elevator na konektado mismo sa ground floor ng clubhouse na pagmamay-ari nila. Nagkukulitan pa ang apat na animo'y mga batang paslit kahit pa kabilang ang mga ito sa hinahangaan at kilalang sikat sa larangan ng negosyo at sa kani-kaniyang karera. Hot Men Society was a brotherhood compose with misterious and rich men. Founded by their Alpha whom they named X. Iilan  lang ang maswerteng nabigyan ng imbitasyon na maging miyembro ng kanilang grupo. They were from elite among the elite's. Kaya'y iilan lang din ang nabibigyan ng pagkakataon na makita sila at makasalamuha. They called it  The Gold Card. The only access of the society to enter their hidden world. At mukhang hindi naging maramot ang lider nila sa pamimigay ng imbitasyon nang tuluyang masilayan nila ang malawak na pool area ng clubhouse. "What the f**k!" Kasabay ng mura ni Andrew ay ang panlalaki rin ng mata nito. Nagtawanan naman ng mga kasama. Nilingon niya ang mga ito at sinamaan ng tingin. Maling party yata ang kaniyang napuntahan! "Relax Fucker! Orgy party ito. Don't tell me you don't have any idea of it." Natawang muli si Evander. Isang suntok naman sa tagiliran ang pinakawalan ni Andrew na ikinaigik nito. Ang totoo, walang ideya sa Andrew sa party na nagaganap. Akala niya ay normal na party lang iyon ng mga mayayaman. Ngunit sa nakikita niyang hubad na katawan ng mga babae at tanging kakarampot na tela lamang ang tumatakip sa mga kaselanan ng mga ito, gusto niyang tumakbo na lang at matulog nang mag-isa sa kaniyang condo. "There's no turning back now, Man," bulong ni Zico sa kaniyang likuran. Nang lingunin niya ang tatlo ay isang makahulugang ngiti ang mababanaag sa gwapong mukha ng mga ito. Napailing na lamang si Andrew. Mukhang napasubo na nga siya sa orgy party na sinasabi ng mga kaibigan. Sinilip niyang muli ang pool area at nakitang nagkakasayahan ang kanilang mga bisitang naroon. May nagtatampisaw sa pool. May nagsasayawan. May nakikipaglaro sa bula na likha ng mga taong naroon. Maingay rin ang host na nasa sentro ng intabladong naroon. Dumiretso ang apat sa private room ng Hot Men. Doon ay naghihintay ang iba pang miyembro ng organisasyon. Binati kaagad si Andrew ng kaibigan niyang si Bartholomew o mas kilala sa pangalang Barry. Isang business man. Nagkamayan muna ang dalawa bago naupo sa swivel chair na naroon palibot sa isang bilog na mesa. "Good thing you came, Guerrero. Akala namin mag-monghe ka na talaga," pabirong turan ni Barry. Nagtawanan din ang iba pang naroon. "Salamat sa imbitasyon," sarkastikong turan naman ni Andrew. Isinandal ng binata ang likod sa upuan at pinagmasdan ang mga kasama. Being handsome and rich was indeed their common denominator. Well built physique. Attractive stance and authoritative aura. Intimidating yet approachable. Successful and powerful. Hindi kataka-takang nagtatago sila sa loob ng maskara. Kinaiingitan din ng marami. "The show is starting. Mag-uusap na lang ba tayo dito? Why not enjoy the night." Nakangisi si Zico. "The pawn is already captured. She is waiting for the King," wika ni Barry. Naguluhan si Andrew. Napakunot ang noo. Anong sinasabi ng mga kaibigan niya? King? Pawn? What the hell! "Then, we have to choose the King--" "I guess I'm late for the party?" Lahat ay natahimik at bumaling ang tingin sa kabubukas pa lamang na pinto. Bumungad kaagad sa kanila ang kararating pa lamang na si Ysco. Wearing his soldier uniform, he looked like he was going to war and not in a party. "What the hell, Bud! Akala namin patay ka na!" natatawang wika ni Rex Van. "Watch your mouth, Montemayor. Siyam ang buhay niyan," sansala naman ni Evander. Pinaikot pa nito ang silya at tumayo. Andrew watched his friend greeted Ysco. Halatang masaya ang mga itong nakita ang matagal nang hindi nagpaparamdam na kaibigan. Tumayo na rin ang binata at kinumusta ito. Kinamayan at tinapik sa balikat nang nakangiti. "Long time no see, Superman. Akala ko, patay ka na," nakakalokong sambit ni Andrew. Limang taon naman kasi itong missing in action sa grupo. "Nagpapainit lang." Natawa si Ysco at sinabayang maglakad si Andrew patungo sa kinauupuan nito. Maging ang iba pa nilang kaibigan ay nagsibalik na rin sa kani-kanilang upuan. "Aren't you all surprise, Fuckers?Damn! I miss my chair," komento ni Ysco matapos maupo sa silya nito. "Shut your f*****g mouth, Badboy. Let's start the game," Barry commented. He now had an arrow in his hand. Napakunot naman ang noo ni Andrew kung para saan iyon ngunit hindi na rin ito nagsalita. Hanggang sa unti-unti nitong maintindihan ang lahat nang lumabas mula sa likod ng dingding ang isang dartboard. May ibat-ibang kulay iyon. Hinati-hati na tulad ng sa spinning wheel. Sa loob ng mga hinating parte ay ang kanilang pangalan. Ilang sandali ay natahimik ang buong lugar. Walang gustong magsalita. Seryoso lamang ang mga itong nakatitig kay Barry at sa dartboard. Papalit-palit ang tingin. Pigil ang paghinga. Umaasam na sana ay hindi ang pangalan nila ang mapili bilang King sa gabing iyon. Maging si Andrew ay ganoon din ang gusto. Wala naman kasi siyang ideya sa kung ano ang mangyayari. Napasinghap ang lahat nang ekspertong itinapon ni Barry ang dart sa dartboard. Nag-slow motion ang ulo ng mga ito at lahat ay bumaling kay Andrew. Nagtatanong naman ang mga matang bumaling siya sa mga ito. Nakakunot ang noo. "What?!" he asked. Trying to sound irritated. "Brace yourself, Guerrero, you're the King tonight," komento ni Rex Van. Nakangisi. "Sorry, Bud." Tumayo si Evander. May kinuha sa maliit na mesang nasa gilid. Isang tray iyon na may baso at kakaibang bagay na hindi matukoy ni Andrew. Lumapit ang kaibigan sa kaniya. "Now, take this." Inilahad nito ang dala. "What the hell is this?!" matikas na tanong ni Andrew. Binalingan nito si Barry. "Seriously?" dagdag niya. "E-capsule. For a good sexcapade, Guerrero." Napamaang si Andrew. Walang mahapuhap na sabihin. Napatulala habang nakatanaw sa mga kaibigang nakangisi. Nanghina siya. Mukhang maling party nga talaga ang napuntahan niya. Damn! @sheinAlthea
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD