Chapter 1

2335 Words
“Aliah! Ano ka bang bata ka?! Tumayo ka na nga d'yan!” sigaw ni Ananya sa anak n'yang nakadapa pa rin habang nahihimbing. Ang nag-iisang anak n'yang babae. Umungol lamang ito at saka nagtalukbong muli ng kumot. “Aba't?! Ano ba?! Ma li-late ka na!” sigaw n'ya ulit saka pinamulot ang mga nagkalat na damit at kung ano-ano pang gamit nito sa sahig. “Hay naku talagang bata ka oo! Ang tanda-tanda mo na pero hindi ka pa rin marunong magligpit ng kwarto mo?! Tapos palagi ka pang late sa pasok mo! Paano na lang kung matanggal ka sa trabaho mo?!” Tinakpan ni Aliah ang kanyang tenga gamit ang kanyang kamay. Tuwing umaga na lamang ay ganito senaryo nila. “Ma naman eh! Maaga pa!” “Anong maaga? Alas-syete na kaya! Hay naku, bahala ka nga r’yan! H'wag mo akong sisisihin ha?” Nilagay na n'ya ang mga labahan ng anak at saka naglakad patungo sa pinto ng kwarto. Hindi maiwasang mapailing ni Ananya habang pinagmamasdan ang silid ng kanyang anak. Ang pang isahang higaan nito ay nasa pinaka gitna ng silid ay palaging magulo. Maraming nakadikit na poster sa dingding ng silid nito na hindi naman niya mga kilala. Kalimitan ay mga taga ibang bansa at mga lalaking nakasuot ng kulay itim at mayroong kulay dilaw na buhok. Nilapitan niya ang malaking cabinet na nasa may paanan ng higaan nito at isinara ang pinto n’yon gamit ang isang kamay. Pagkatapos ay kinuha niya ang balat ng mga tissue at nakalamukos na mga papel sa lamesitang nasa tabi ng higaan nito. Napabuntong hininga siya at ibinaba muna ang basket na hawak niya. “Kailan kaya matututo itong magligpit ng kanyang kwarto?” pabulong na sabi ni Ananya habang inaayos ang mga librong nagulo nito sa maliit nitong estante ng mga libro sa may tabi ng pinto. Dati pa man ay hilig na nitong magbasa at mahilig sa musika. Bukod sa mga libro at gitara ay wala nang ibang mga materyal na laman ang silid nito. Umungol si Aliah. “Alas-syete pa lang pala eh...” Umayos ulit ng higa si Aliah pero agad ding napaupo mula sa kama. “Alas-sete na?!” “Opo kamahalan,” sarkastong sagot ni Ananya sa anak at muling kinuha ang basket. “Waah! Late na ako!” Nagmadaling tumayo si Aliah mula sa higaan n'ya at pumunta sa cabinet saka kumuha ng isusuot na damit. “Mama naman eh! Bakit hindi mo agad sinabi sa akin na alas-syete na pala!” himutok niya at kinuha ang tuwalyang nakasabit sa likod ng kanyang pinto. “Ano? Alam mo bang limang beses na akong pumunta rito para gisingin ka, pero ayaw mong magising!” paliwanag ni Ananya sa anak. Napailing na lamang s'ya habang pinapanood si Aliah na hindi magkanda ugaga sa pagkuha ng gamit. "Eh dapat kasi — haist!" Umiling na lamang si Aliah at lumakad na palabas ng kwarto. Pero hindi pa man siya nakakalayo ay muli siyang bumalik sa tabi ng kanyang ina. “Bakit? May nakalimutan ka?” nagtatakang tanong ni Ananya sa anak nang tumigil ito sa harapan n'ya. Ngumiti ito sa kanya. “Good morning ma!” magiliw na bati ni Aliah sa ina at hinalikan ito sa pisngi saka tumakbo na papuntang banyo. Napangiti na lamang si Ananya habang umiiling. Kahit na kasi may pagkamakulit ito ay nakapa lambing naman nito sa kanya. At kahit na ganito ito ay mahal na mahal niya ito dahil ito ang nag-iisa niyang anak. Matapos mag-almusal at maghanda ni Aliah para sa kanyang pagpasok ay lumabas na siya sa kanilang bahay. Tangan niya ang kanyang bike na nabili niya ng second hand. Mountain bike iyon pero matibay na matabay pa rin. “Alis na ako Ma!” paalam ni Aliah sa kanyang ina. Nasa labas na siya ng kanilang bahay at ito naman ay nasa likod. “Sige anak! Mag-iingat ka ha?” Hindi na sumagot pa si Aliah at nagmadali na siyang sumakay sa kanyang bike. Alas syete y media na kasi at alas otso ng umaga ang pasok niya sa kanyang trabaho. Isa siyang cashier sa isang coffee shop at ang kanyang matalik na kaibigan at kababata na si Carl na kasalukuyang manager doon ang nagpasok sa kanya. Napangiwi na lamang siya noong pumasok sa kanyang isipan ang nakapamaywang na si Carl habang sinisermunan siya. Isang bakla si Carl ngunit mahal na mahal niya ito dahil mabait ito at malaki ang kanyang utang na loob dito. Palagi kasi siya na li-late at ito rin palagi ang dahilan kung bakit hindi siya nawawalan ng trabaho. Parati siya nitong sinasalo. Kahapon ay nangako na siyang hindi siya mali-late kaso napuyat kakapanood sa concert ng paborito niyang banda mula sa pirated na cd na kanyang nabili sa bangketa. Noong bumigat ang daloy ng trapiko ay tumigil muna si Aliah sa gilid ng kalsada. Bike ang kanyang piniling bilhin bilang kanyang transportasyon. Dahil sa mura lamang ito noong nabili niya ay madali pang makasingit sa trapiko kagaya ngayon. Sinipat niya ang kanyang relos sa kanyang kanang pala-pulsuhan. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niyang limang limang minuto na lamang ang kanyang natitirang oras. Dahil sa kanyang taranta ay sinubukan niyang lumusot sa sasakyang nasa gilid niya. Ngunit bigla na lamang itong umandar kaya naman ay hindi na siya nakaiwas pa. Nakaramdam siya ng matinding sakit sa may tagiliran niya nang humampas doon ang kotse. Lalo siyang napangiwi nang maramdaman niyang tumalsik siya papunta sa jeep na nasa harapan nito. Halos pumasok pa ang kalahati ng kanyang katawan doon at muntikan pa siyang makaladkad kung hindi nagsigawan ang mga nakasakay roon dahil umaandar na rin iyon. Kaya naman ay tuluyan siyang bumagsak at humampas ang kanyang ulo sa kalsada. Agad na nanlabo ang kanyang paningin at mayamaya pa ay unti-unti nang nagdilim. Nagulat si Krish nang may kumalabog sa may harapan ng kanyang kotse. Nagmamadali kasi siya kaya hindi niya napansin na dadaan sa kanyang harapan ang isang babaeng naka bike. Agad siyang bumaba upang tingnan ito. “Miss?!” Dali-dali niyang nilapitan ang babaeng nakahandusay sa gitna ng kalsada at nadadaganan ng bike. “Miss, wake up!” “Naku mister! mukhang patay nayan!” Nagulat siya sa sigaw ng isang ale mula sa jeep na nakiki-usyoso sa naganap na aksidente. Mayroon na ring mga taong nakapaligid sa kanila. 'Ano?' pinulsuhan n'ya ang babae samay leeg at nakahinga ng maluwag nang maramdaman niyang meron pa itong pulso. Hindi na siya nagdalawang-isip pa at agad binuhat ang babae saka sinakay sa loob ng kanyang kotse. 'Kung minamalas nga naman ako! Bakit ngayon pa ako naka disgrasya?!'  "Traffic na nga, nakabundol pa ako! Great Krish! Great!" sigaw n'ya at muling binuhay ang kotse. He’s having a meeting in forty-five minutes and he also have something to review before he goes to that meeting. Napahilamos muna siya bago kinuha ang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon. “Krish?! Where are you?!” bungad ng lalaking tumawag sa kanya. Si Jared, bestfriend at kanang kamay n'ya sa negosyo n'yang coffee shop. Nauna na ito sa shop nila dahil na andoon na ang bagong kliyente nila. Balak kasi nilang mag-open ng branch sa Naic, Cavite. “I'm coming okay! I just got in a situation," sabi n'ya at nilingon ang babaeng wala pa ring malay sa kanyang tabi. “What?! Anong nangyari?! Naman bro! You need to come here fast!” Napangiwi si Krish dahil sa lakas ng boses nito. “Pwede ba?! Calm down! I’ll be there! I just have to do something. I need to go to hospital," pagpapakalma n'ya sa kaibigan. “Wait, what?! Why-” Hindi na n'ya pinatapos ang sinasabi ng kaibigan at agad na n'yang pinatay ang cellphone. Nasa tapat na kasi sila ng hospital. Sinipat niya muna ang relos niya. “Okay, I still have twenty minutes,” aniya at nilingon ang babaeng wala pa ring malay. Napakunot ang noo niya nang mapagmasdan niya ang mukha nito. ‘Teka... pamilyar s'ya sa akin.’ “Sir?” agad napalingon si Krish sa katabing bintana n'ya nang may tumawag sa kanya, yung guard pala ng hospital. “May emergency ho ba tayo?” “Ahh yes, paki asikaso s'ya. Nabundol ng kotse.” Itiinuro n'ya ang babaeng nasa kanyang tabi. “Ho? Sige po sir! Pakibuksan nalang po ng pinto, tatawag lang ako ng mga nurse,” sabi ng guard at lumakad na ito papasok ng hospital. Agad naman n'yang binukasan ang pinto ng kotse saka lumabas at umikot papaunta sa kabilang pinto ng kotse n'ya para buksan ito. Hindi naman din nagtagal sa pagtawag ng mga nurse ang guard. Binuhat na nila agad ang babae at sinakay ito sa stretcher saka pinasok sa loob ng hospital. Hinatid na lang n'ya ng tingin ang babae saka sumakay na ulit ng kotse at pinaandar ito. Babalikan na lamang niya ito pagkatapos ng kanilang meeting.     "ARAY ko…" Unti-unting idinilat ni Aliah ang kanyang mga mata. ‘Puti? Bakit ang liwanag?’ Agad na nakaramdam ng kaba si Aliah kaya napabalikwas ito ng bangon. “Ahh!” hiyaw niya dahil bigla siyang dinalahit ng sobrang sakit sa kanyang balakang. Muli siyang napahiga. “Ma'am! H'wag po muna kayong kumilos. Hindi pa po kayo okay,” pigil ng isang babaeng nakakulay puti na nasa tabi ni Aliah. Kumunot ang noo ni Aliah at inilibot ang paningin sa paligid. Lahat ng nandoon ay kulay puti. Ang pader, kisama at sahid. Maging ang kobre kama ng hinihigaan niya at unan ay ganoon din ang kulat. “N-Nasaan ako?” kinakabahang tanong ni Aliah. “Nasa ospital ho kayo ma’am. Naaksidente po kayo. Wait lang ho ha? Tatawagin ko lang ang doctor niyo,” anito at lumabas na sa kanyang silid. Ilang sandali pa ay bumalik din ito kaagad. May mga kasama na itong mga doctor. “Kumusta po ang pakiramdam niyo?” tanong ng babaeng doctor sa kanya na may nakalagay na Doc. Vergara sa name pin nito na nakasabit sa roba nito. “M-Masakit po ang balakang ko.” Nakangiwi siya at bahagyang nakaliyad dahil sa balakang niya. “Nurse,” tawag nito sa babaeng nurse na nasa likod nito. “Kailangan natin siyang i-x-ray.” Tumingin ito kay Aliah. “Huwag ka po munang masyadong maggalaw-galaw ha? Baka kasi mas lalong ma-damage ang balakang mo.”   Tiningnan lamang ni Aliah ang Doctor na kumakausap sa kanya habang pakurap-kurap. Hindi magsink-in sa kanya ang sinasabi nito. “W-Wala po ba akong kasama?” nag-aalala niyang tanong. Kanina pa kasi siya tingin nang tingin sa labas ngunit walang ibang napasok. “Mayroon bang nagdala sa akin dito? Sino po?” Nagkatinginan ang dalawang nurse na nasa likod ng Doctor. “Meron po ma’am kaso agad umalis eh,” sagot ng nurse na nagisnan niya kanina. ‘Tinakasan ako?’ Biglang nakaramdam ng pag-iinit ng ulo si Aliah. Ang dami agad pumasok sa kanyang isipan. Ang pinaka inalala niya ay ang kung ano ang ibabayad niya sa ospital.   “Nag-iwan po ba ng pangalan yung kasama ko? Yung gamit ko ho?” tanong niyang muli. Tumikhim ng malakas ang Doctor kaya napatingin si Aliah dito. “Now ma’am. You have stay here and recover,” sabi lang nito at humarap na sa mga nurse. Nagbigay pa ito ng instruction sa mga nurse kung ano ang ituturok sa kanya o ano ang iba pang gagawin sa kanya. Paalis na sana ang nurse na sumasagot sa mga tanong niya kanina pero pinigilan niya ito. “Ate! Wait lang po.” “Yes ma’am?” “Nag-iwan po ba ng number yung sinasabi mong kasama ko kanina? O may iniwan ba siyang kahit ano?” Kumibot-kibot ang mga labi nito saka ngumiti na para bang may ideyang pumasok sa kanyang isipan. “Wala po eh, pero alam ko may-ari ‘yun ng coffee shop kasi nakita ko yung mukha niya kanina noong ibinaba ka sa kotse niya. Saan nga ba ‘yon?” Bahagyang tumigil. “Ahh ‘yun! Kriann’s coffee shop! Yung may-ari n’on.” “Kriann? Doon ako nagtatrabaho.” “’Yun naman po pala ma’am eh. Edi mas mapapadali. Sige na po. Aayusin ko pa po ang mga gamot mo.” Tumango na lamang si Aliah at nahiga ng maayos sa kama. Halos hindi niya maramdaman ang pwetan niya dahil sa nangyari. Kapag biglang napapagalaw din siya ay biglang nakirot ang balakang niya. “Paano na ‘to?” Napabuntong hininga siya. Sa tanang buhay niya ay ngayon lamang siya na ospital at kung kalian pa kailang-kailangan nila ng pera. ‘Sino kaya ‘yung damuhong ‘yon?!’ naiinis niyang sabi sa isipan. Ni hindi manlang kasi niya nakita kung sino ba yung nakabangga sa kanya. Tapos tinakasan pa siya. Napahilamos na lamang siya sa palad niya ngunit agad napalitan ng ngiwi dahil biglang kumirot ang kanyang balakang. Ilang sandali lang ay may bumalik muli na nurse. May tinurok ito sa dextrose niya at kung ano man ‘yon ay naging malaking tulong iyon para sa kanya. Dahil pagkaalis ng nurse ay unti-unti na niyang naramdaman ang ibabang parte ng katawan niya. Masakit pa rin ang balakang niya pero hindi na kagaya kanina. “Buti naman,” aniya. “Wala akong pambayad. Ano’ng gagawin ko rito? Wala pa ‘yung gamit ko rito.” Wala nang mas sasakit pa para kay Aliah ngayon kundi ang bulsa niya. Hindi niya alam kung saang kamay ng Diyos siya kukuha ng ibabayad niya rito dahil mukhang mamahalin pa ang ospital na pinagdalhan sa kanya. Sinubukan ni Aliah kung makakatayo na siya ng maayos. “Ouch…” mahina niyang angil nang bahagyang kumirot ang kanyang balakang. Mataman niyang pinagmasdan ang pintong nasa harapan niya. “Kaya ko ‘to,” aniya at hinugot ang mahabang karayom na nakasuksok sa likod ng palad niya.   © Ameiry Savar  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD