Chapter 11 Hindi makaget-over si Aliah sa sinabi ni Krish. Ano ang ibig sabihin nito? Hindi siya yummy? Hindi dahil wala siyang naging kasintahan ay wala nang nagkakagusto sa kanya! Pinili niyang maging single dahil iyon ang gusto niya at ang nararapat. Ayaw niyang mapunta siya sa mga lalaking kagaya nito! “Nakakainis! Bahala siya sa buhay niya!” Padabog siyang kumuha ng fries at sinubo iyon. Mas malakas pa ang pagtatama ng mga ngipin niya dahil sa kanyang malakas na pagnguya kaysa sa pinapanood niyang series. Matapos siya nitong halikan ay sasabihin nito na ‘I won’t waste my time with you?!’ “Hindi ko naman siya sinabihang halikan ako ah?! Bakit ako pa yung parang na agrabyado rito? First kiss ko na dapat sa magiging boyfriend ko ibibigay kinuha na niya!” Napapikit siya ng mariin a

