Kimberly’s POV NAPATIGIL siya. Sumandal. “I am scared.” Kapag kuwang sabi niya. “Takot saan?” Naiinip kong tanong. Sinalakay ako ng agam-agam. Palaisipan sa akin ang takot na sinasabi ni William. Tumayo ako. Pero nasa gilid niya ako ng hinawakan niya ang pulso ko. “Please, stay.” Tumingin ako sa kamay niya. Dumako ang mga mata ko sa kanya. Those emotions I barely understand. Hinila ko ang aking kamay. “Sana itinamin mo yang takot mo baka tumubo. Hangga’t hindi ka maging honest sa akin William wala tayong pag uusapan!” Parang sasabog ang puso ko. Mas pinili niyang ilihim sa akin ang totoo. “Uuwi na kami sa inay. Doon muna kami. Hanggang wala kang lakas loob na ipagtapat sa akin ang totoo. H’wag kang magpapakita sa amin.” Hindi ko mabanggit ang salitang anak namin. Hindi niya deserves

