Kimberly’s POV HAWAK-HAWAK ko ang kamay nina Miguel at William. Pasekreto silang inilabas sa basement ng ospital. Natatakot ako para sa kaligtasan nila. Kahit takot na takot ako pinapalakas ko ang aking loob. “Kailangan mong mag focus.” Sita sa akin ni Lander. Kagat labi akong tumango. Gusto ko nang umiyak, pero matinding pagpipigil ang ginawa ko. Panay pa ang kalikot ni Lander sa telepono niya kaya lalo akong natakot. Ang dami niyang code na sinasabi na hindi ko naman maintindihan. “Lander,” tawag ko sa kanya pero hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng itaas niya ang kamay niya at tumigil kaming lahat. “Is the sniper in position?” Seryosong tanong nito sa Bluetooth mic niya. Napahawak ako sa aking dibdib parang sasabog na iyon sa lakas ng t***k puso ko. Tuluan ang pawis ko sa

