Kimberly’s POV: PARANG lumulutang pa rin ako sa alapaap hindi ako makapaniwala sa engaged na kami ni William. Sa sobrang dami ng pinagdaanan namin, heto kami ngayon sobrang saya. Pero napalis ang ngiting iyon nang tinahak niya ang daan pauwi sa mansyon nila at hindi sa bahay. “William…” Kinakabahan kong tawag sa kanya. “Relax, baby. Wala na diyan si mama. Sanvi and my mom they are in jail yesterday. Kaya kami nawala ni Miguel. Pumunta kami ng kulungan para i-confirm na nakakulong na nga silang dalawa.” Nakangiting imporma niya sa akin. Nakahinga ako nang maluwag. Kahit paano napalagay ang loob ko. “Paano pala sila nakulong?” Nagtataka akong tanong. “Pinakulong ko.” Simpleng sagot ni William. Hindi na ako nag usisa pa dahil ramdam ko na ayaw niyang pag usapan. Masakit para sa

