Kimberly’s POV “UHMM!” hindi ko napigilan ang mapaungol. Hanggang pinakawalan ni William ang mga labi ko dahil pareho na ka kaming kinapos ang hininga. “Sa wakas!” Pilyong komento ni Lander. Uminit ang mukha at sigurado nagkulay kamatis na 'yon. Napatakip ako ng aking mukha. “Hey bud,” bati ni William kay Miguel nang buksan niya ang pintuan sa backseat. “Tito William! Si Daddy Leonel po?” Agad na tanong ni Miguel. Parang may pinong kurot akong naramdaman. “How was your ride? Are you having fun?” Hindi sinagot ni William ang paghahanap ni Miguel kay Leonel. “It was fun, Tito William. Para akong nasa roller coaster!” Masayang kwento nito. Samantalang ako. Parang himatayin na sa sobrang kaba at takot. Buti na lang ay bullet proof ang sasakyan ni Lander. “Impressive!” Sagot ni William.

