Kimberly’s POV GUSTO KO na tumalon sa balcony. For the time in my life, ngayon lang ako hinaharana ng taong mahal na mahal ko pa. Kilig to the bones na! Weh? Kilig kepyas kamo! Hanggang sa matapos ang kanya niya. Sobrang kinikilig ako. Hindi mapawi ang ngiti sa aking mga labi. Sobrang saya ko. “I love you, mie!” Cute na cute na sabi ni Miguel na may dalang bouquet. “Long table na ba?” Malokong tanong ni Lander. “Sasagutin na ba ako ng future Misis ko?” Kinikilig ako sa tanong ni William. Guwapong-guwapo siya sa suot niyang pink polo shirt! Hindi ko akalain na babagay sa isang lalaking maangas ang color pink. He gave justice to femininity color. “Pwede pag isipan?” Nakangiti kong sagot. “Ilang harana pa ba ang gagawin? Mapasagot lang kita giliw?” Nakatingalang tanong ni William.

